Tuesday, September 12, 2006
undue laugh

Binasa kanina ng prof namin yung teacher evaluation results niya sa class. Dapat kasi binasa na lang niya yun sa bahay e. O kaya kung babasahin man niya yun sa harap namin, sana hindi na lang siya magreact o kung ano. Nakakainis yung mga teacher na nilalabas pa sa class yung feedback nila kagaya nung 3rd year ako. Umiyak at nagalit yung teacher namin sa mga comments ng section namin. Kulang na lang sampalin niya kami. Kanina sa Law class:

prof: ...meron kasi ung mga taong nagsasabi na hindi ako punctual. Palagi. Every class may ganun.

student#1: baka nalito lang sa question sir. Napagbaliktad lang yung highest at lowest sa 1-5 na rating.

ibang students: parang grading sytem ng UP! (laugh laugh laugh)

ako: ..

prof: Hindi. May mga masama lang talaga. Yung may mga tinatagong galit.. dba mister ViriƱa?

ako: huh..

ibang students: (laugh laugh laugh)

Sa totoo lang, kasalanan ko rin yan. Hindi ako natatawa masyado sa mga bagay-bagay sa ibang klase..lalong-lalo na kapag nasa loob ng PURE FOODS HORNEEHGKL ROOM ang klase. N.R. lang talaga ako paminsan pero wala akong galit. May mga times lang na hindi ako natatawa kaagad. Sana kasi hindi isipin na galit ako kung hindi ako tumawa o kumibo sa joke o hirit ng mga tao. Pero para lang sa subject kong ito, kunyari na lang madali akong matawa.

uy may pusa sa labas o.. ahahahaha.


alone at 10:09 PM
Comments: Post a Comment