Thursday, June 15, 2006
tension

Nanaginip ako kanina. Ang aga ko nagising kasi hindi na ako makatulog pagkatapos. Kasama ko yung dad ko sa isang sulok ng mataas na blue building tapos meron kaming "free" tickets para sa isang malaking birthday party ng kaibigan ko. Hindi ko na maalala kung sino siya e.. pero parang debut na ewan. May isa rin akong babaeng kaibigan na kasama namin ng dad ko. Mejo malabo rin yung identity niya e.
Suddenly, out of nowhere,... lumabas yung block xx ng bs health science. Tapos gusto daw nila gumawa ng sarili nilang party para sa bday celebrant. Gusto pa daw nila gumastos talaga ng mahal. Ang dami nilang pinaplano na maganda pero sobrang mahal naman. E naiinis na ako sa kanila (ewan ko, basta nainis lang ako bigla O_o), kaya sinabi ko wag na. Hindi ito yung typical na inis ah. Ito yung papatay ka na ng tao na inis. Yung dad ko naman nakisali naman sa kanila pati yung kasama namin na kaibigan ko, na hindi ko nga maalala kung sino. Hindi na sila pupunta sa original party ng bday celebrant at hindi na nila gagamitin yung "free" tickets.
wtf tlga. NAiinis yata ako kasi sobrang mahal ng gagawin nila tapos meron namang sariling party talaga yung may berdei.


PS: Wala akong galit sa block xx sa totoong buhay. Mahal ko silang lahat :)


alone at 10:31 AM
Comments:
haha. natakot naman ako dun.. kala ko may galit ka na talaga samin. :)) or baka naman unconsciously, meron na ha. :p kidding. :)
 
bka nga.. ang friendly nga ng labas niyo e haha! go block xx
 
Post a Comment